ISANG ATLETANG DAGUPEÑO NA GOLD MEDALIST, KILALANIN

Nasungkit ng isang atletang Dagupeno na si Wilbert Ubando ang Gold Medal sa Men’s High Jump Category sa natapos na UAAP Season 85 mula November 30 hanggang December 4, 2022 na naganap sa Philsports Track and Field Oval, Pasig City.

Si Wilbert ay isang 23 years old na residente ng Barangay Bonuan Boquig. Inirepresenta niya ang National University.

Siya ay nakakuha ng 1.88-meter na hinigitan ang record ng mga iba pang mga kalahok. Ayon sa kanya, masaya at natuwa siya sa lahat ng pagsuporta at pagkilala sa kanya ng mga taga Dagupan.

Nagpasalamat din siya sa kanyang naging trainor at coach na si Mr. Romy De Guzman. Tunay ngang mga puno ng iba’t ibang talento ang mga Pangasinense.

Congratulations idol! |ifmnews 

Facebook Comments