MGA PAARALAN AT SAMAHAN NG MAGSASAKA SA INFANTA, NAKATANGGAP NG AGRICULTURAL INTERVENTIONS

Nakatanggap ng iba’t ibang agricultural interventions ang Bamban Sur Integrated School at Maringindingin Rising Hope Farmers Association Inc. bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta na palakasin ang sektor ng agrikultura, seguridad sa pagkain, at mga programang pangkabuhayan.

Sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist, ipinamahagi ang mga kagamitan at agri-inputs na mula sa Department of Agriculture–Regional Field Office I (DA-RFO I).

Kabilang sa mga ipinagkaloob sa Bamban Sur Integrated School ang vegetable seeds, seedling trays, knapsack sprayer, watering sprinklers, at iba pang kagamitang gagamitin sa pagpapaunlad ng kanilang School Garden sa ilalim ng CY 2026 High Value Crops Development Program (HVCDP).

Samantala, pinagkalooban naman ang Maringindingin Rising Hope Farmers Association Inc. ng iba’t ibang uri ng foliar fertilizers, insecticides, at de-kalidad na binhi ng gulay upang makatulong sa pagpapataas ng kanilang produksyon at mapalakas ang kabuhayan ng mga miyembro ng samahan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na unti-unting mapalawak ang saklaw ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga paaralan at mga rehistrado at akreditadong samahan ng mga magsasaka sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments