Isang babae at dalawang lalaki, huli sa aktong humihithit ng iligal na droga

36

Arestado ang isang babae at dalawang lalaki matapos silang maaktuhang nagpa-pot session sa isang bakanteng lote sa may kahabaan ng C5 Service Road, Barangay Southside, Lungsod ng Makati, pasado ala-1:00 ng hapon kahapon.


Nakilala ang mga suspek na sina Gerry Gahardo Soldivilla, 24-anyos, Flaviano Ferdinand Ferrer Mendoza, 45-anyos at Marisol Lobinea Orale, 18-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang mga drug paraphernalia na ginamit sa kanilang pot session.

Batay sa ulat ng Makati Philippine National Police (PNP), nagpapatrolya ang mga Bantay Bayan ng nasabing barangay ng makita nila itong humihithit ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Kaya naman agad pinagdadampot ang mga suspek ng mga Bantay Bayan at dinala sa Makati PNP Station 9 para naman sa proper disposition.

Nakakulong na ang mga suspek at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments