Balingoan Port Expansion Project sa Balingoan, Misamis Oriental, pormal nang binuksan

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng Balingoan Port Expansion Project sa Balingoan, Misamis Oriental.

Ang bagong pantalan na nagsisilbing tawiran mga biyahero patungo at mula sa Camiguin ay mayroon na ngayong bagong 2-storey Port Operations Building, Gate Complex, bagong Ro-Ro Ramp, at higit 10,000 sqm Backup Area.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang pantalan na ito ay magsisilbing daan para lumakas ang turismo at kalakalan sa lugar at mga kalapit na probinsya.

Kaya naman kumpiyansa ang Pangulo na magdadala rin ito ng mas maraming oportunidad sa mga tao na makatutulong sa kanilang kabuhayan.

Kapag lumakas aniya ang kalakalan, kasunod nito ang pagsigla ng ekonomiya at pag-unlad ng rehiyon.

Facebook Comments