ISANG PAMPASABOG NATAGPUAN SA ISANG PAARALAN SA BINALONAN

Isang pampasabog ang natagpuan ng isang gwardiya sa isang paaralan sa bayan ng Binalonan.
Sa report ng pulisya, nagpunta sa himpilan ng Urdaneta City Police Station ang isang babaeng gwardiya upang i-surrender ang nakitang pampasabog sa Binalonan South Central School, Brgy. Poblacion, Binalonan.
Isang umano itong projectile 75mm high explosive.
Itinurn-over na ito sa PNP EOD-K9 Unit Pangasinan 5th Decu, Urdaneta City, Pangasinan para sa tamang disposisyon.
Facebook Comments