LGU BAYAMBANG, NAGBABALA SA PANGANIB NG MGA ANYONG TUBIG MATAPOS MALUNOD ANG DALAWANG BATA

Nagpaalala ang Lokal na Pamahalaan ng Bayambang sa mga magulang at guardian na doblehin ang pagbabantay sa mga bata, lalo na sa mga lugar na malapit sa mga ilog, fish pond, at iba pang anyong tubig.

‎Ito ay kasunod ng pagkasawi ng dalawang batang Bayambangueño, edad siyam at sampung taon, matapos malunod sa isang fish pond sa Barangay Darawey ngayong Setyembre 15, 2026.

‎Kasabay ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya, agad na nagtungo ang Mayor’s Action Center sa kanilang tahanan upang maghatid ng tulong at suporta.


‎Binigyang-diin ng LGU ang kahalagahan ng mas mahigpit na pagbabantay sa mga kabataan, partikular sa mga araw na walang pasok, upang maiwasan ang mga insidenteng maaaring maglagay sa kanilang buhay sa panganib.

‎Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagligo sa ilog, lalo na’t nananatiling malakas ang agos ng tubig bunsod ng mga nagdaang bagyo at habagat.

‎Hinihikayat ang lahat ng magulang, guardian, at kabataan na maging higit na maingat at mapagmatyag kapag nasa paligid ng mga anyong tubig.

‎Kasabay ng pagdadalamhati sa sinapit ng dalawang bata, umaapela ang LGU Bayambang sa publiko na gawing paalala ang insidente sa kahalagahan ng pag-iingat, paggabay at patuloy na pagbabantay sa mga anak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments