Isang rebelde, nasawi matapos makasagupa ng militar sa Sultan Kudarat

108

Isang miyembro ng teroristang grupo ang kumpirmadong nasawi matapos makasagupa ng tropa ng militar mag-a-alas-5:00 ng hapon kamakalawa sa Tibuhol, Palimbang, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Guillermo Mabute Jr., commanding officer ng 57th Infantry Battalion, nagsasagawa sila ng combat clearing operations sa nasabing lugar nang maka-engkwentro nila ang mga rebelde.

Aniya, tumagal ng limang minuto ang palitan ng putok at noong hindi kinaya ang pwersa ng militar nagsipulasan ang mga rebelde.


Narekober sa encounter site ang mga labi nito, (1) garand rifle; (1) sling bag; (4) clips with 28 rounds ng live ammunition.

Agad itinurn over ang mga labi ng terorista sa kalapit na barangay pero hindi umano ito residente doon kung kaya’t itinurn over na lamang sa Palimbang Municipal Police Station ang mga labi para sa proper disposition.

Facebook Comments