ISU STUDENT, TOP 6 SA AGRICULTURAL AND BIOSYSTEMS ENGINEERING LICENSURE EXAMINATION

Estudyante ng Isabela State University, humilira sa National Top Achievers sa katatapos lang September 2022 Agricultural and Biosystems Engineering Licensure Examination.

Siya si Engr. Pauline Jane D. Acag ng Batch 2019 na nakakuha ng remarkable rate na 83.68%.

Sa pangkalahatan, ang licensure performance ng Unibersidad ay nakarehistro sa 50% passing rate para sa mga first timer, na mas mataas sa national passing rate na 42.28%.

Lubos naman ang kasiyahang nadama ng pamilya ni Engr Pauline Jane Acag.

Facebook Comments