Itatalaga sa gabinete ni PBBM, dapat matiyak na may integridad at katapatan sa kanya at sa administrasyon

Pinuri ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga miyembro ng kanyang gabinete na magsumite ng courtesy resignation.

Ayon kay Barbers, daan ito para makapagtalaga ang pangulo ng mga opisyal ng gabinete na hindi kwestyunable ang integridad gayundin ang katapatan sa kanya at sa administrasyon at tiyak na makakapagserbisyo ng mahusay sa mamamayan.

Giit ni Barbers, panahon na para mapalitan ang mga opisyal ng gabinete na hindi sapat ang kalidad ng trabaho o pagtupad sa tungkulin at nanahimik lang sa mga batikos na ipinupukol sa pangulo.

Ipinunto ni Barbers na dahil sa kakulangan sa performance ng ilang cabinet members ay tila hindi nararamdaman ng masa ang mga naging tagumpay ng administrasyong Marcos sa mga isyu ng kalusugan, seguridad sa pagkain, at kapayapaan at kaayusan.

Facebook Comments