Kalagayan ng Filipino factory workers sa Cambodia, sinilip ng mga opisyal ng Philippine Embassy

Sinilip ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa Cambodia ang kalagayan ng Filipino factory workers sa Phnom Penh.

Sinalubong naman ng Filipino supervisors ang grupo ni Ambassador Flerida Ann Camille Mayo sa pagdating nito sa garment factory.

Ang hakbang ng embahada ay sa harap ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong factory workers sa Cambodia.

Sa ngayon, 50 percent ng mga Pinoy sa Cambodia ay nagtatrabaho sa garment at footwear manufacturing sector sa nasabing bansa.

Ilan sa kanila ay humahawak ng supervisory positions sa quality control, pattern making, at product development.

Karamihan sa garments na ginagawa ng Pinoy workers ay international sports brands at bags na ini-export sa U.S., Europe, at Japan.

Facebook Comments