Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

Darating sa Pilipinas si Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa April 29 hanggang April 30 para sa isang official state visit.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), magiging panauhin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang Prime Minister at kanyang maybahay na si Yoshiko Ishiba sa April 29, araw ng Martes sa Malacañang.

Magpupulong sina Pangulong Marcos at Prime Minister Ishiba para palakasin ang mga kooperasyong may kinalaman sa ekonomiya, pulitikal, depensa, at ang people-to-people exchange ng dalawang bansa.

Inaasahang magpapalitan din ng pananaw ang dalawang lider hinggil sa mga usaping pangrehiyon at pandaigdig, at tatalakayin ang mga bagong hakbang tungo sa kapayapaan at katatagan sa ilalim ng ‘Strengthened Strategic Partnership’ ng Pilipinas at Japan.

Huling nagkita sina Pangulong Marcos at Prime Minister Ishiba noong October 2024 sa sidelines ng ASEAN Summit sa Laos.

Matatandaang bumisita rin si Pangulong Marcos sa Japan noong February 2023, na sinundan ng opisyal na pagbisita sa Pilipinas ng dating punong ministro ng Japan na si Fumio Kishida noong November 2023.

Facebook Comments