COMELEC, nagpahayag tungkol sa hybrid elections proposal habang papalapit ang eleksyon

Inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia ang mas praktikal na aspeto ng automated elections sa kabila ng mungkahing gawin hybrid ito.

Ani Garcia, aabutin ng pitong minuto ang pinakamaiksing oras sa pagbibilang ng manual na boto sa isang balota na kasing haba ng halos dalawang folder.

Dagdag pa niya na maaring hindi rin tumugma ang bilang ng boto manually at kapag naipasok na ito sa counting machine na posibleng maging malaking isyu.

Naniniwala naman ang poll body na kinakailangang magkaroon ng batas upang magabayan ang kanilang komisyon kung ano ang dapat na gawin sa araw ng eleksyon.

Samantala, sinabi naman ni Garcia na kung anuman ang magiging ruling ng Supreme Court hinggil sa kahilingang maging hybrid ang eleksyon, sila ay mag “cross the bridge” basta’t ang mahalaga ay 19 na araw bago ang napipintong halalan.

Facebook Comments