
Ikinabahala ng Commission on Human Rights (CHR) ang tumataas na mga kaso ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children mula noong 2019.
Kabilang dito ang mga kaso ng child pornography at pambubugaw online.
Sa ulat ng National Center for Missing and Explouted Children (NMEC), triple ang itinaas ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata online noong 2023.
Nakapagtala ang NMEC ng mahigit 2.7 million kaso.
Ayon pa sa ulat, karamihan sa nang-abuso ay mismong kamag-anak ng biktima at pangunahing dahilan ay kahirapan.
Dahil dito, magtutulungan ang CHR at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para isulong ang karapatan ng mga naaabuso.
Hinihikayat ng komisyon ang sinumang biktima o kaanak ng biktima ng online sexual abuse na magsumbong sa mga awtoridad.