Creamline, nasungkit ang kampeonato sa 2022 PVL Open Conference

Photo Courtesy: One Sports

Tinanghal na kampeon sa 2022 Philippine Volleyballs League (PVL) Open Conference ang Creamline Cool Smashers.

Ito ay matapos nilang makuha ang ikalawang panalo sa best-of-three games kontra Petro Gazz sa score na 25-18, 15-25, 25-23, 25-16.

Nanguna sa Creamline ang team captain na si Alyssa Valdez at naging katuwang niya sina Jema Galanza at ang tinanghal na Most Valuable Player (MVP) na si Tots Carlos.


Sa kabuuan, mayroon ng apat na kampeonato ang Creamline mula ng lumahok ang koponan sa PVL mula 2018.

Facebook Comments