JOB FAIR AARANGKADA SA BAYAN NG MALASIQUI

11

Aarangkada sa bayan ng Malasiqui ang Job Fair with One Stop Shop sa darating na Hulyo 6, 2022 araw ng miyerkules sa pangunguna ng Municipal Employment Services Office ng bayan.

Inaanyayahan ng kanilang ahensya ang mga national agencies gaya na lamang ng SSS, PhilHealth, PAGIBIG, DOLE, OWWA, at POEA para sa mga primary services na kanilang maibibigay sa mga jobseekers.

Binigyang diin ng ahensya na ito ay bukas sa lahat ng nais mag-apply na mga residente ng bayan.

Samantala, ang nasabing job fair ay gaganapin sa Arenas Civic Center alas nuebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon. | ifmnews

Facebook Comments