SEAFOOD KADIWA ANI ON WHEELS AARANGKADA SA BAYAN NG SAN NICOLAS

20
Aarangkada ngayong araw June 23, 2022 ang Seafoods kadiwa ani on wheels sa bayan ng San Nicolas.
Ang Seafood kadiwa ani on wheels ay ang mobile segment ng Kadiwa ni ani at kita kung saan makakabili ng mura at sariwang isda kagaya ng bangus, tilapia,hipon at iba pa.
Layunin din ng programang ito na masuportahan ang mga maliliit na mangingisda sa pamamagitan ng paghatid ng kanilang mga produkto direkta sa mga mamimili.
Samantala, gaganapin ang nasabing programa sa Municipal Agriculture Office kung saan hinihikayat ang mga residente na mamili dahil ito ay free delivery. | ifmnews

Facebook Comments