Job fair na inorganisa ng PESO Muntinlupa katuwang ang DZXL Radyo Trabaho, magsisimula na ngayong araw

Magsasagawa ng job fair ang pamahalang lungsod ng Muntinlupa sa ilalim ng Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DZXL Radyo Trabaho ngayong araw!

Magsisimula ito ngayong araw ika- 29 ng Nobyembre, sa Ayala South Park, Lower Ground mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sa mga nais magpunta ay pinapayuhan muna na mag-scan ng kanilang ibinibigay na QR code para kayo ay makapag-register bago magpunta sa nasabing job fair.


Maaring tingnan sa PESO Muntinlupa page ang mga QR code na naka-post sa kanilang account at magpa-rehistro.

Ang ekslusibong job fair na ito ay bukas sa hanay ng LQBTQIA+, Person with Disability (PWD), at senior citizen.

Pinapayuhan ang lahat ng pupunta na magdala ng kanilang updated resume at iba pang requirements sa pag-apply ng trabaho.



Hangad ng isinasagawang job fair ng PESO Muntinlupa katuwang ang DZXL Radyo Trabaho na matulungan na magkaroon ng disenteng trabaho ang mga Muntinlupeño.

Facebook Comments