Job fair ng PESO Pasay katuwang ang DZXL Radyo Trabaho, aarangkada na ngayong araw

Magsisimula na ang job fair sa Pasay City sa ilalim ng Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DZXL Radyo Trabaho kasabay ng pagdiriwang ng ika-159 taong anibersaryo ng kanilang lungsod.

Magsisimula ito ngayong araw, December 1 sa Cuneta Astrodome, Pasay, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Pinapayuhan naman ng PESO Pasay na magdala ng kanilang updated resume at iba pang pangangailangan sa pag-apply ng trabaho.


Nais naman ng PESO Pasay at ng DZXL Radyo Trabaho kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng lungsod na mabigyan ng trabaho ang mga magsisipag-apply lalo na sa mga nakapagtapos ng K-12 Program, fresh graduate, at changing career path.

Facebook Comments