John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, balik bansa na

104

Manila, Philippines – Balik Pilipinas na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna matapos ang ilang linggong pamamasyal sa Europa.

Tahimik at hindi na nagbigay pa ng komento ang dalawa makaraang dumalo sa burol ng anak na babae ni dating Foreign Secretary Alberto Romulo.

Makikita din sa nai-upload na larawan sa social media ng dalawa ang pakikipagkita nila kay Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing lamay.

Samantala, isang linggo matapos ang pagkapanalo bilang Reina Hispanoamericana 2017 sa Bolivia, nakauwi na din ang aktres na si Winwyn Marquez.

Kahapon dumating sa bansa si Winwyn kung saan sinalubong siya ng kaniyang ina na si Alma Moreno at boyfriend na si Mark Herras.

Masaya naman si Winwyn sa mga sumalubong sa kaniya habang suot ang unang Reina Hispanoamericana crown para sa Pilipinas.

Facebook Comments