John Prats, inalala kung paano naapektuhan ng break up nila ni Heart Evangelista ang kanyang career

57

Inalala ng aktor at direktor na si John Prats ang totoong nararamdaman niya matapos masira ang onscreen partnership nila ng dating girlfriend na si Heart Evangelista.

Sa kanyang panayam kay Bianca Gonzalez para sa “Trust the Process” vlog series nito, binalikan ni Prats ang kanyang mga unang taon sa show business.

Ayon kay Prats, noong nagsimula ang youth-oriented show na ‘G-Mik’, doon nagsimula ang tambalan nila ni Heart na kalaunan ay nauwi rin sa totoong buhay na pagmamahalan.


Aniya, sa panahong iyon niya naramdaman na nasa rurok siya ng kasikatan dahil sobrang tampok sa masa ang tambalan nilang dalawa.

Pero nang sila ay magkahiwalay, inamin ng aktor na bilang na lang ang kanyang show at lumiit ang kanyang talent fee at isang beses na lang siya sa isang linggo nakikita sa telebisyon.

Inamin din niya nadismaya siya sa kanyang sarili dahil matapos ng kanilang hiwalayan patuloy pang sumikat si Heart.



Pero sa kabila ng lahat ng ito, natutunan aniya ni Prats ang pinakamahalagang aral sa kanyang buhay at iyon ay ang magtiwala sa plano ng Diyos at palaging gawin ang best sa lahat ng bagay upang magtagumpay.

Facebook Comments