K-9 Academy ng PPA, malapit nang matapos

Minamadali na ng Philippine Port Authority (PPA) ang konstruksyon ng mga gusali ng K-9 Academy sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon kay General Manager Jay Santiago, nasa 75% nang tapos ang naturang gusali at maaaring magamit ito sa first quarter ng 2024.

Ang K-9 Academy ay kauna-unahang pasilidad sa bansa na siyang mangangasiwa para sa pagsasaayos ng mga K-9 dogs.


Sakaling matapos ang proyekto, kaya nitong mag sanay ng 129 na mga aso at 100 mga handlers nito.

Sa ngayon, mayroon lamang 500 na mga K-9 dogs ang PPA sa mga pantalan nito at target nilang dagdagan sakaling matapos na ang itinatayo na training school.

Facebook Comments