Misis, Ginahasa ng 19-anyos na Pamangkin sa Nueva Vizcaya

47
Cauayan City, Isabela- Nadakip ng mga awtoridad ang isang 19-anyos na binata matapos umano nitong gahasain ang sariling tiyahin sa Quezon, Nueva Vizcaya.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Quezon, nagkaroon ng masayang inuman ang 28-anyos na biktima at suspek kasama ang iba pang mga kaanak hanggang sa malasing ito at makatulog ang biktima.

Nagising na lamang ang biktima bandang ala-una ng madaling araw noong Setyembre 12, 2022 nang maramdaman na may nakadagan sa kanya kaya’t agad din itong nagpumiglas at pinagsasampal ang suspek subalit nagawa pa rin nitong halayin ng suspek.

Matapos ang insidente, agad tumakas ang suspek at ipinagbigay alam ng biktima sa pulisya ang ginawang panggagahasa sa kanya.

Dagdag pa sa imbestigasyon, kinuha ng biktima ang suspek na anak ng kanyang kapatid upang may kasama ito sa kanilang bahay habang nasa ibang bansa ang mister nito.

Naaresto naman ang suspek sa isinagawang hot-pursuit operation sa bayan ng Solano.

Facebook Comments