Saturday, September 5, 2026

MGA RESIDENTE, NAKINABANG SA BIRTH REGISTRATION ASSISTANCE SA SAN QUINTIN

‎Nakinabang ang mga residente ng San Quintin sa isinagawang Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng lokal na pamahalaan, katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA).

‎Ang BRAP ay isinagawa para irehistro ang birth record ng mga kailangang magsaayos ng kanilang mga dokumento ng hindi na kinakailangan pang bumiyahe papuntang PSA.

‎Partikular na nakinabang ang kwalipikadong residente na nagproseso ng late birth registration.

‎Ayon sa Pamahalaang Bayan, nagpapatuloy ang pagsasagawa ng BRAP para narin sa mga residente na kailangang magparehistro ng kanilang kapanganakan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments