Kadete ng PNPA, patay dahil sa heat stroke

147

Nasawi ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos na makaranas ng heat stroke habang tumatakbo noong June 7 ng hapon sa loob ng akademya.

Ayon kay PNPA Spokesperson Lt. Col. Louie Gonzaga ang nasawing kadete ay kinilalang si Rafael Sakkam na nasawi kamakalawa habang naka-confined sa Qualimed Hospital in Sta. Rosa City, Laguna.

Noong June 7 nang isugod ito sa ospital matapos mawalan ng malay habang tumatakbo at batay sa diagnosis ng doktor siya’y nakaranas ng heat stroke.


Naipaalam na sa pamilya ng biktima ang malungkot na pangyayari.

Sa ngayon, gumagawa na ng mga paraan ang Commandant, Tactics Group ng PNPA para matiyak na hindi makakaranas ng heat stroke ang mga kadeteng nagsasagawa ng summer training.

Tiniyak naman ng PNPA na sasagutin nila ang gastos sa ospital hanggang sa libing nang nasawing kadete.



Facebook Comments