20.4 milyong halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa isang high value drug personality sa Cebu

248

Huli ang isang high value drug personality sa ikinasang buy bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Sombria Road, Brgy. Lawaan 1, Talisay City, Cebu.

Kinilala ang drug suspek na si Lyndon Ylanan Rongasan alyas “Palta”, 34 anyos.

Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., nakuha sa suspek ang limang plastic packs ng shabu na umaabot sa halos 3 kilo at may estimate standard drug price na 20.4 million pesos.


Dinala sa Talisay City Police Station si Rongasan at mga nakumpiska droga para sa documentation at proper disposition.

Pinuri naman ni Danao ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na drug operation.

Sa ngayon, nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments