Kaibigang senador ni Pastor Apollo Quiboloy, nanawagan na magpakita na ang religious leader

 

Nanawagan na kay Pastor Apollo Quiboloy ang kaibigan at tagapagtanggol nito sa Senado na si Senator Robinhood Padilla na sumuko na ang pastor sa mga awtoridad.

Payo ni Padilla sa kanyang kaibigan na si Quiboloy, dahil nasa korte na ang mga kaso ay mas maganda kung magpakita na ito upang naiwasan sana ang paglaki pa ang isyu.

Umaasa ang senador na magiging mapayapa at walang karahasang mangyayari sakaling maaresto o sumuko na si Quiboloy lalo’t tiyak na marami sa mga mananampalataya ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang masasaktan dahil dito.


Kumbinsido si Padilla na may halong politikal ang isyu kay Quiboloy kaya may pakiusap ito sa mga ahensya ng pamahalaan at sa Senado na huwag sanang idamay ang relihiyon.

Hindi naman isinasantabi ng mambabatas ang mga sinasabing biktima ng pang-aabuso ni Quiboloy pero kanyang pakiusap, ito ay pag-usapan na lamang sa korte upang hindi maimpluwensyahan ng mga politically-motivated na kaso.

Facebook Comments