‎₱147.5K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST OPERATION SA LINGAYEN**

‎‎Nasakote ng mga awtoridad ang isang suspek at nakumpiska ang tinatayang 21.7 gramo ng hinihinalang shabu sa isang anti-illegal drug operation sa Lingayen, Pangasinan. ‎
‎Isinagawa ng Drug Enforcement Team (DET) ng Lingayen Municipal Police Station (MPS), sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office 1, ang nasabing buy-bust operation. ‎ ‎Ayon sa pulisya, nakumpiska mula sa operasyon ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Tinatayang nasa ₱147,560 ang standard drug price ng nakumpiskang ilegal na droga. ‎ ‎Nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong suspek at posibleng maharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ‎ ‎
Binigyang-diin ni PLTCOL Junmar C. Gonzales, na magpapatuloy ang hanay sa kanilang mahigpit na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments