
Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na buwan-buwan siyang haharap siya sa media para sagutin ang mga isyu ng bansa.
Ayon sa pangulo, ito ay bilang pagtupad sa kaniyang pangako noong Disyembre na magiging accessible na siya sa mga mamamahayag sa Palasyo.
Hindi rin aniya siya kuntento sa ambush interview lamang dahil kakaunti ang napapag-usapan.
Dahil dito, inatasan ng Pangulo si Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez na magtakda ng press briefing isang beses sa isang buwan kung walang mahalagang aktibidad, para matalakay ang isyu nang hindi nagmamadali.
Kahapon, ang unang pagkakataon na humarap sa buong Malacañang press ang pangulo sa pamamagitan ng conference.
Direkta nitong sinagot ang mga isyu sa impeachment, West Philippine Sea, at sa bagong liderato ng PhilHealth.