Kamara, mayroong plano na muling ihain sa 20th Congress ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte

Inihayag ni incoming Senator Erwin Tulfo na mayroong plano na muling ihain sa 20th Congress ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Batay na rin sa narinig ng Senador mula sa mga kapwa mambabatas, kapag ibinalik ang impeachment complaint sa Kamara ay muling maghahain ang mga kongresista ng impeachment case.

Gayunman, hindi naman masabi ni senador kung papaano ito gagawin ng mga kongresista at siya mismo ay hindi rin niya maintindihan ang paraan.

Sa pagkakaalam ni Tulfo, mayroong one-year ban rule o sa loob ng isang taon ay hindi pwedeng maghain ng kaparehong reklamo o impeachment sa isang opisyal salig na rin sa Article 11 ng 1987 Constitution.

Kung si incoming Senator Tito Sotto naman ang tatanungin, hindi pwedeng i-refile ang impeachment complaint ngayong taon at kung may balak man ay sa susunod na taon na ito maihahain o sa January 2026.

Hindi aniya kinakailangan mag-refile ng panibagong impeachment sa 20th Congress at hindi dapat pangunahan ng mga kongresista ang iisipin ng susunod na Kongreso dahil maaari naman nilang imungkahi na ituloy ito pagpasok ng July 1.

Facebook Comments