
Mahigpit na tinututukan ng House of Representatives ang sitwasyon kaugnay sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran kaakibat ang tiwala na gagawin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang trabaho nito para sa kaligtasan na ating mga kababayan.
Diin ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Kamara, nakikipag-ugnayan din ang Mababang na Kapulungan sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan para matiyak na lahat ng ating mga Pilipino ay mabibigyan ng proteksyon.
Kasabay nito ay tiniyak din ni Atty. Abante na walang miyembro ng 19th Congress ang nasa Israel nito.
binanggit ni Abante, na base sa pahayag ni House Secretary General Reginal Velasco, may ilang kongresista na nagplanong magtungo sa Israel pero hindi natuloy.
Facebook Comments