Mga magsasaka, plano ring isama ng Energy Department sa fuel subsidy sakaling tumagal ang tensyon sa Middle East

Kinumpirma ng Energy Department na awtomatikong isasama sa fuel subsidy ng pamahalaan ang mga magsasaka.

Ito ay sakaling pumalo na sa 80-dollars kada bariles ang presyo ng krudo, sa harap ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Department of Energy (DOE) Officer-in-Charge (OIC) Sharon Garin na bukod sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan, pinaghahandaan na rin nila ang pagbibigay ng subsidiya sa agriculture sector.

Sa ngayon, ang presyo ng Dubai crude ay nasa 73-dollars per barrel.

Nabatid na naglaan na rin ang Department of Agriculture (DA) ng alokasyon na P585 million para sa suporta sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng tumataas na presyo ng langis.

Una nang tiniyak ni Garin na may sapat na supply ng langis sa bansa.

Facebook Comments