Kamara, patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols

33

Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng Mababang Kapulungan sa health and safety protocols laban sa COVID-19.

Ito ay sa gitna ng tumataas muling kaso COVID-19 at paglaganap ng mas nakahahawang variant.

Kaugnay nito ay naglabas ng abiso ang Press and Public Affairs Bureau ng Kamara na nagpapaalala sa lahat ng House employees, kabilang ang mga bisita at media ay obligadong dumaan sa lingguhang antigen testing.


Ang naturang patakaran ay pinapatupad ng Medical Dental Service ng Kamara dahil mayroon pa ring fully vaccinated ang nagpopositibo sa COVID-19.

Halimbawa nito ang isang miyembro ng media na umano’y nagpositibo sa isinagawang antigen test nitong Lunes sa Kamara.

Facebook Comments