IBO World Champion Dave “Dobermann” Apolinario, nakatakdang mag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang

181

Bisita mamaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si International Boxing Organization o IBO World Champion Dave “Dobermann” Apolinario sa Malacañang.

Ito ay matapos ang pagkakapanalo kamakailan ng Filipino boxer laban sa nakalabang si Gideon Buthelezi via knock out sa East London, South Africa kaya nakuha nito ang titulo, bilang bagong IBO World Champion.

Si Apolinario ay may record na 17 wins, zero lost na kung saan, 12 dito ay pawang knockouts.


Bukod sa courtesy call ng Pinoy boxer, magiging abala rin si Pangulong Marcos mamayang hapon.

Ito’y upang pangunahan ang gagawing panunumpa ng mga bagong talagang opisyal sa Malacañang.

Facebook Comments