Mahigit ₱2.44 milyon halaga ng marijuana ang winasak ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Philippine National Police o PNP sa magkakasunod na operasyon sa mga kabundukan ng Sugpon, Ilocos Sur.
Sa pinakahuling operasyon noong Setyembre 10 sa Barangay Caoayan, Sugpon, natuklasan ng mga operatiba ang isang 80-square-meter na taniman ng marijuana.
Aabot sa 560 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱112,000 ang binunot at winasak mismo sa lugar.
Isinagawa ito bilang follow-up operation matapos ang dalawang araw na operasyon noong Setyembre 8 at 9 sa hangganan ng Barangay Licungan sa Sugpon at Barangay Tacadang sa Kibungan, Benguet.
Sa nasabing operasyon, 11,050 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱2.21 milyon at 3,000 marijuana seedlings na nagkakahalaga ng ₱120,000 ang winasak.
Sa kabuuan, 14,610 marijuana plants at seedlings ang nawasak sa magkakasunod na operasyon, na may kabuuang halagang ₱2,442,000 batay sa halaga ng Dangerous Drugs Board. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










