
Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga imported na baboy, kalabaw, mga baka at animal-derived products mula Slovakia dahil sa Foot-and-Mouth Disease (FMD) outbreak sa naturang bansa.
Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel, layon nitong mapigilan ang pagkalat ng sakit sa mga livestock sa bansa lalo na’t walang kaso ng FMD sa bansa.
Kabilang sa ban ang mga ginagamit sa artificial insemination at mga parte ng katawan ng mga nasabing hayop.
Maaari namang makapasok sa bansa ang ilang produkto gaya ng gatas basta’t dumaan sa Ultra High Temperature at nagnegatibo sa FMD pagdating sa ating mga pantalan.
Suspendido rin ang pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances sa mga nasabing produkto.