Kapitan ng tumaob na bangka sa Binangonan, Rizal, walang hawak na lisensya

Inihayag ng Maritime Industry Authority (MARINA) na lumalabas sa isinagawa nilang imbestigasyon na walang lisensya ang kapitan ng tumaob na bangka sa Binangonan, Rizal.

Ayon sa MARINA, nagkaroon sila ng pagpupulong sa mga representative mula sa Talim Island Passenger Motorboat and Patron Association (TIPMOPA) kung saan dito nila nalaman sa record na walang balidong lisensya si Donald Anain na siyang boat captain ng Aya Express.

Bukod dito, pinag-usapan rin kung anong tulong ang maaaring ipaabot sa mga biktima.


Isa rin sa nireresolba ng MARINA at ng nabanggit na asosasyon ay ang insurance ng mga 27 nasawing pasahero.

Sinisiguro naman ng MARINA na tinututukan nila ang nangyaring insidente upang malaman ang mga pagkakamali ng Aya Express at mapanagot ito sa batas.

Facebook Comments