NBP Director General Gregorio Catapang, ipinag-utos ang paghuhukay sa mga septic tank sa loob ng piitan

Ipinapahukay na ni New Bilibid Prison (NBP) Director General Gregorio Catapang ang lahat ng mga septic tank na nakapalibot sa buong NBP.

Ito ay para malaman kung mayroon pang mga nakabaon na mga nawawalang preso.

Ayon kay Director General Catapang, nais nilang malaman kung ang nasabing mga septic tank doon ay ginamit na tapunan ng mga nawawalang preso na matagal ng pinaghahanap.


Matatandaan noong nakaraang linggo ay nakadiskubre ang mga otoridad ng mga buto ng tao na mula umano sa nawawalang preso.

Facebook Comments