WORK-FROM-HOME AT ALTERNATIVE LEARNING MODES IPATUTUPAD SA KARAMIHAN NG LUGAR SA PANGASINAN NGAYONG ARAW

Ipapatupad sa Pangasinan Ngayong Araw, Agosto 18, ang work-from-home (WFH) arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning modes sa mga pampubliko at pribadong paaralan bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng habagat.

‎Ang hakbang ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

‎Sa ilalim ng kautusan, hindi sakop ng WFH ang mga ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng basic at health services, gayundin ang mga tanggapang nakatalaga sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad.

‎Samantala, nasa Local Chief Executives ang pagpapasya sa pagsususpinde ng pasok sa mga lugar na hindi kabilang sa memorandum circular, habang nakasalalay naman sa pamunuan ng bawat pribadong kumpanya ang desisyon kaugnay ng suspensyon sa trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments