
Mas pinapalawak pa ang mga maaabot ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) centers, para sa mga nangangailangan.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, karagdagan dito ang 51 BUCAS centers na binuksan sa 33 probinsya sa buong bansa.
26 dito ay sa Luzon, walo sa Visayas, at 17 sa Mindanao.
Sa pamamagitan nito, mas mabilis na nakukuha ng mga pasyente ang kinakailangang laboratory services, tulad ng complete blood count (CBC), blood chemistry, urinalysis, blood typing, x-ray, ultrasonography, ECG, fecalysis, at iba pa.
May mga serbisyo rin para sa tuberculosis, pagbabakuna, konsultasyon para sa altrapresyon at diabetes, checkup para sa buntis at sanggol, mental health, first aid at referral para sa mga vehicular crash, nutrition support, dental services, animal bite at pharmacy para sa mga access sa gamot.
Sabi ng opisyal, nasa 500 pasyente kada araw ang masiserbisyuhan ng bawat isang BUCAS center sa buong bansa.