
CAUAYAN CITY- Hinihikayat ng LGU Cabagan lahat ng magkasintahan na hindi pa kasal na magparehistro para sa gaganaping 15th Mass Civil Wedding sa Cabagan, Isabela.
Inaanyayahan ng LGU Cabagan lahat ng interesado na sumali na magtungo lamang sa Local Civil Registry Office para sa karagdagang impormasyon at kinakailangang mga dokumento.
Ang naturang Mass Civil Wedding ay gaganapin sa ika-26 ng Marso sa Cabagan Convention Center.
Samantala, magtatagal naman ang pagpaparehistro hanggang ika-10 ng Marso taong kasalukuyan.
Facebook Comments