Kaso ng 3 Pinoy na inaresto sa China dahil sa sinasabing pang-eespiya, masusing mino-monitor ng DFA

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pinababayaan ng kanilang mga tauhan sa China ang tatlong Pinoy na inaresto sa Beijing matapos mapagbintangang nag-eespiya.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, masusing tinututukan ng Philippine Embassy ang kaso ng tatlong Pinoy.

Sa ngayon, nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon sa mga Pinoy na sina David Servañez, Albert Endencia, at Nathalie Plizardo.

Una na ring kinumpirma ng China na sinira na nila ang intelligence network na itinayo sa Tsina ng Philippine Intelligence Agency.

Iginiit naman ng DFA na nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagprotekta sa karapatan at interes ng mga Pilipino.

Facebook Comments