
Nagpulong ang Local Health Board at iba pang stakeholders sa San Carlos City noong Hulyo 16 para pag-usapan ang iba’t ibang usaping pangkalusugan at pangkaligtasan sa lungsod.
Isa sa mga pangunahing agenda ang kasalukuyang sitwasyon ng mga kaso ng dengue.
Bukod dito, inihain din ang mga paghahanda para sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA), pagpapaigting ng mga programa ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC), at pagtalakay sa mga pinakahuling ulat tungkol sa Road Safety Program.
Dinaluhan ang pagpupulong ng mga miyembro ng Local Health Board, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang institusyong pang-edukasyon, national government agencies, at civil society organizations. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








