Tuesday, September 8, 2026

Kaso ng Leptospirosis sa Maynila, pumalo na sa higit 1,000

Umabot na sa 1,051 ang bilang ng lahat ng tinamaan ng leptospirosis sa Maynila ngayong taon.

Ito’y matapos madagdagan ng 70 ang bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay na sakit.

Sa datos mula sa Manila Health Department (MHD), nasa 3 indidibdwal rin ang nadagdag sa bilang ng mga namatay.

Dahil dito, umakyat sa 38 ang bilang ng lahat ng nasawi dahil sa leptospirosis mula sa pagpasok ng taon hanggang ngayong araw.

Pinakamaraming kaso ng Leptospirosis sa Maynila ay mula sa Brgy 649 sa Baseco na umabot na sa 140

Sinundan ito ng 26 na kaso sa Brgy 20 at 22 mula sa Brgy 105 sa Tondo.

Muling ipinapaalala ng MHD sa mga residente sa Maynila lalo na ang mga may sintomas ng anumang uri ng sakit na maiging magpakonsulta upang maagapan ang karamdaman at maiwasan na lumala ang sitwasyon.

Facebook Comments