Tuesday, September 8, 2026

Senate Impeachment Court, muling iginiit na pwede silang magpatawag ng mga testigo

Maaaring magpatawag ng testigo ang Senate Impeachment Court.

Ito ang sinabi ni presiding officer Chiz Escudero sa gitna ng paglilitis kung saan bago ito ay sinabi ni Senator Erwin Tulfo na iharap sana ng house prosecution panel ang mga dating secuity officers ni vice president Sara duterte na sina Colonel Raymund Dante Lachicha ng Office of the Vice President at Colonel Dennis Nolasco ng Department of Education.

Sina Nolasco at Lachicha na dating chief at deputy chief ng Vice Presidential Security Group ang umano’y pinasahan ng confidential funds ng OVP at Deped sa utos na rin umano ng vice president.

Naunang nagpasya ang prosekusyon na huwag nang ipatawag ang dalawa dahil para sa kanila ay matibay na ang mga testigo at ebidensya tungkol sa maling paggamit ni VP Duterte sa P612.5 Million confidential funds.

Pahayag pa ni Escudero, hindi lang alam ng impeachment court kung ihaharap pa ng defense team sina Lachica at Nolasco na unang inilista ng prosekusyon at depensa sa kanilang mga testigong pahaharapin noon pang pre-trial.

Sakali namang hindi, wala namang makakapigil kung ang Senate Impeachment Court na ang magpatawag sa mga ito.

Facebook Comments