Kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que, case solved na —PNP

Maituturing nang case solved pero hindi pa rin case closed ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Chinese na si Anson Que.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo matapos maaresto kamakailan sa Boracay ang co-mastermind sa krimen na si Kelly Tan.

Paliwanag ni Fajardo, maituturing nang naresolba ang kaso dahil halos lahat ng key players sa krimen maliban kay Jonin Lin ay naaresto na ng pulisya at nasampahan na ng mga kaukulang kaso.

Hindi naman itong maituturing na case closed sapagkat patuloy paring tinitrace ng mga awtoridad kung kanino napunta ang ibinayad na ransom money ng pamilya ni Que.

Sa ngayon, limang suspek na sa kasong pagpatay kay Anson Que ang hawak ng PNP Anti-Kidnapping group (AKG).

Facebook Comments