PBBM, aminadong may pagkukulang sa pagsiserbisyo sa mga Pilipino

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang mga natutunan sa katatapos lang na Halalan matapos na bigong makasampa ang lahat ng kaniyang mga kandidato sa Senado.

Sa unang episode ng kaniyang podcast, marahil ay nagsawa na aniya ang mga Pilipino sa ingay ng politika, hindi lamang sa panig ng administrasyon kundi para sa lahat.

Ayon sa pangulo, ipinupunto lamang nito na tigilan na ang pamumulitika at tutukan naman ang mga Pilipino.

Pangalawa sa obserbasyon ng pangulo, posibleng dismayado ang mga Pilipino sa serbisyo ng pamahalaan dahil hindi nila ito nararamdaman.

Aminado naman ang pangulo na mabagal ang galaw ng mga proyekto kaya naman ito aniya ang kanilang tututukan ngayong tapos na ang Halalan.

Halimbawa na lamang aniya ang malilit na bagay sa pang-araw-araw na buhay ng tao tulad ng pila sa tren, traffic at iba pa para kahit wala na sila sa gobyerno ay may makita ng mga tao na may nagawa ang kaniyang administrasyon.

Facebook Comments