Ebidensiya sa impeachment laban kay VP Sara Duterte, malakas ayon sa ilang mauupong prosecutors

Malaki ang kumpiyansa ng mga magsisilbing prosecutor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte na titindig ang kaso sakaling gumulong na ang paglilitis sa Senado.

Ayon kay Atty. Leila de Lima, dating senador at first nominee ng Mamamayang Liberal o ML Party-list, na naniniwala siyang matibay ang mga ebidensiya ng prosekusyon laban sa pangalawang pangulo.

Para naman kay Atty. Chel Diokno, suportado nila ang impeachment ni VP Sara para na rin lumabas ang katotohanan.

Nagbigay rin siya ng reaksyon kaugnay sa “bloodbath” remark ng pangalawang pangulo patungkol sa kaniyang impeachment.

Facebook Comments