Pinakahuling naitala sa Bayambang National High School, kung saan isinuspinde ang face-to-face classes noong Hulyo 28 matapos makatanggap ng ulat ang pulisya hinggil sa isang umano’y online threat.
Pansamantalang ipinatupad ang online o modular learning habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Nauna rito, nagpatupad din ng Flexible Learning Program ang San Jacinto National High School noong Hulyo 27.
Nakapagtala rin ng magkakahiwalay na insidente sa mga paaralan sa Manaoag, Dagupan City, Rosales, Sto. Tomas, at Lingayen, na agad na tinugunan ng mga awtoridad.
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO), pinaigting na nito ang seguridad sa mga paaralan sa buong lalawigan.
Sa kabila ng magkakasunod na insidente, tiniyak ng kapulisan na walang natutukoy na aktuwal na banta sa mga paaralang naapektuhan sa mga kasong naimbestigahan sa ngayon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







