Schedule para sa pista ng Itim na Nazareno, inilibas na ng simbahan ng Quiapo

Inilabas na ng pamunuuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang schedule para sa pista ng Itim na Nazareno sa susunod na taon.

Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, bagama’t wala ng magaganap na Traslacion dahil sa banta ng COVID-19, ay tuloy pa rin ang selebrasyon kung kaya’t tatawagin itong Nazareno 2023.

Dadalhin ng mga pari ang imahen ng Itim na Nazareno sa iba’t ibang lalawigan, sektor, at komunidad sa Dec. 1 hanggang 15 at Dec. 27 hanggang 29, 2022.


Isasagawa rin ang pagbabasbas ng replica sa Dec. 27 hanggang 29 sa Plaza, Sta. Cruz.

Gaganapin naman ang pahalik at misa sa Quirino Grandstand sa Luneta, sa January 7 hanggang 9, 2023.

Samantala, muling nilinaw ng pamunuan ng Quiapo Church na walang mangyayaring pasanan ng imahen at sa halip ay magsasagawa na lamang ng Walk of Faith sa January 8.



Facebook Comments