Kasong kinasangkutan ni Jemboy Baltazar, hindi sapat na dahilan para ito ay patayin – PNP

Iginiit ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo na hindi lisensya para sa mga pulis na barilin si Jemboy Baltazar kahit ito pa ay sangkot sa anumang krimen gaya ng panghoholdap.

Batay kasi sa ilang alegasyon, binalak ng grupo ni Jemboy na holdapin ang kanilang kapitbahay pero hindi natuloy dahil nakilala siya nito.

Kabilang din umano si Jemboy sa mga jumper boys o mga umaakyat sa mga truck na may kargang kalakal sa North Bay Boulevard malapit sa pier.


Paliwanag ni Fajardo, kung totoo man ang mga alegasyong ito, mas pinagtutuunan ngayon nang pansin ng PNP ang pagbibigay ng hustisya sa pagkamatay ng biktima bilang pagpapakita ng respeto.

Facebook Comments